
Ipinapaalam sa atin ng Allah na ang Qur’an ay para sa pagninilay at pagmumuni-muni. “Isang Aklat na ipinadala Namin sa inyo, puno ng mga pagpapala upang pagnilayan nila ang mga talata nito, at maalala ng mga may pang-unawa.” [38:29] Ang isang kuwentong karapat-dapat pagnilayan ay ang kwento ng mga tao sa yungib – isang kwento kung paano mananatiling matatag sa pananampalataya sa harap ng pinsala at pag-uusig. Ito ay isang kwento na nakasentro sa isang grupo ng mga kabataang lalaki na hindi mga Sugo, ngunit mga ordinaryong tao na tumanggap ng mensahe ng Allah.