Skip to main content
Blogs

Ang Tungkulin ng Pagkabatid ng Allah sa Ritwal na Pagkakatay ng Hayop

Sa Banal na Qur’an, sinabi sa atin ng Allah na ang isang pangunahing pang-espirituwal na mga pakinabang ng ritwal na pagkakatay ng hayop ay kamalayan ng Allah. “At ang mga kamelyo at [kawan ng] mga bakahan, Aming ginawa ang mga ito para sa inyo bilang sagisag [ritwal] ng Allah; mula rito ay [may nakalaan] kabutihan para sa inyo. At inyong banggitin ang Ngalan ng Allah sa mga ito [habang kinakatay ng] nakatayo; at kapag ang mga ito ay [wala ng buhay] nakahandusay sa kanilang tagiliran, samakatuwid, magsikain kayo sa mga ito at magpakain sa mga dukha [na hindi humihingi] at sa mga pulubi. Ganyan Namin itinalaga ang mga ito sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat. ‘Hindi ang kanilang [laman] karne ang nakarating sa Allah o ang kanilang dugo kungdi ang nakarating sa Kanya ay ang Taqwa [mapitagang takot] mula sa inyo. Ganyan Namin itinalaga para sa inyo ang mga ito upang sakali ay inyong dakilain ang Allah para sa anumang Kanyang ipinatnubay sa inyo. At magbigay ng magandang balita sa mga mapaggawa ng kabutihan.” [22:36-37]

Ipinapakita ng mga talatang ito na bilang mga Muslim, kapag sinasamba natin ang Allah, ay hindi Siya nakikinabang mula sa ating pagsamba, ni hindi Niya ito kailangan. Sa halip, tayo ang nakikinabang sa pamamagitan ng gantimpala na ating nakamit at iba pang mga pagpapala na ibinigay sa atin ng Allah. Sa tuwing tayo ay nag-aalay ng pang-araw-araw na itinakdang ritwal na panalangin, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa, pagpunta sa peregrinasyon (pagsasagawa ng Hajj o Umrah) o pagsasagawa ng anumang iba pang mabuting gawain, walang nakukuha ang Allah mula dito. Ang kaharian ng Allah ay hindi nadaragdagan sa pamamagitan ng ating pagsamba, ni hindi ito mababawasan kung hindi natin Siya sasambahin. Ang Allah ay malaya sa lahat ng mga pangangailangan at kagustuhan. 

Sa halimbawa ng ritwal na pagkakatay ng hayop, tayo ang makikinabang. Sa pamamagitan ng pag-alala sa biyaya ng Allah, ay tinatanggap natin ang maraming mga pakinabang sa pinahihintulutang mga hayop na inaalagaan, at ginagamit sa pagsasaka, agrikultura, paglalakbay, nagdadala ng mga kargada, at para sa pagkain at inumin dahil sa kanilang karne at gatas. Para sa maraming tao, ang karne ay isang luho na madalas na tinatangkilik ng iilan. Para sa mga mapalad na makakain ng karne na kailangan, ang tungkulin ay mas malaki. 

Tinuruan tayo na bigkasin ang pangalan ng Allah bago ang ritwal na pagkakatay ng hayop, pasalamatan Siya para sa biyayang ito, at pagkatapos ay makinabang mula sa karne. Ang isa pang nagpapakita ng kamalayan ng Allah ay kung paano tayo hikayatin na gamitin ang ilang bahagi ng karne upang ipakain sa mahihirap at nangangailangan sa paligid natin, kung kaya natin. Dapat nating tanggapin na ang ilan ay hindi gaanong pinalad kaysa sa atin at maaaring laging hindi kayang bumili ng karne na makakain. 

Sinasabi sa atin ng Allah na maging ang dugo o karne ng ritwal na kinatay na hayop ay hindi nakakarating sa Kanya. Ang dugo ay naiiwan para maubos, at ang karne ay kinakain natin at ng iba na pinagsasaluhan natin. Ano ang nakikita ng Allah dito at sa iba pang gawaing debosyon? Ito ay ang pagpapakita ng ating kabanalan at kamalayan sa Allah. Ito na tayo ay umaayon sa batas ng Allah, sumusunod sa Kanyang mga utos at tinutupad ang mga batas na Kanyang itinakda para sa atin. 

Ang mga paganong Arabo sa panahon ni Propeta Muhammad (SAWS) ay nagsagawa rin ritwal ng pagkakatay ng hayop. Gayunpaman, ay iniaalay nila ang mga sakripisyo sa kanilang mga idolo o diyus-diyusan, iiwanan ang kanilang mga karne sa altar hanggang ito ay mabulok, at hindi papayagan kahit na ang mahihirap na kumain mula rito. Ang Islam ay dumating para itama ang mga mali at lihis na gawain. Nagtuturo ito na kapag ang isang tao ay nag-aalay ng ritwal na pagkakatay ng hayop, ito ay para malugod ang Allah at sa Kanyang pangalan lamang. Ang pakinabang ay nasa ating buhay at sa pagtulong sa mga nakapaligid sa atin. Dapat nating banggitin ang pangalan ng Allah at luwalhatiin Siya bago ang ritwal na pagkakatay ng hayop. Natatandaan natin ang maraming mga tulong ng Allah. Hinahangad natin ang Kanyang gantimpala at naaalala ang Kanyang patnubay na nagpapahintulot sa atin na sambahin lamang Siya. 

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x