
Ang ika-18 kabanata ng Qur’an, na tinawag na ‘Ang Yungib’ ay nagmula sa sinaunang mga rebelasyon ng Makkah sa panahon ng maagang ministeryo ni Propeta Muhammad (SAWS). Ito ay isang kabanata kung saan hinikayat tayo na basahin sa bawat araw ng Biyernes. May apat na mga kasaysayan na binanggit sa kabanatang ito na hindi matatagpuan sa ibang lugar sa Qur’an. Bawat isa sa mga kasaysayang ito ay nagsasabi tungkol sa isang pagsubok na maaari nating harapin sa ating mga buhay. Sinabi ng Allah sa pagsisimula ng talatang ito, “Katotohanan! Ginawa Namin ang nasa kalupaan bilang isang palamuti para dito, upang sila ay Aming masubukan kung sino sa kanila ang pinakamahusay sa mga gawain.” [18:7]
Ang unang pagsubok ay ang pagsubok ng pag-uusig dahil sa paniniwala at pananampalataya ng isang tao. Ito ay matatagpuan sa kasaysayan ng “Ang mga Tao sa Yungib People, kung saan ipinangalan ang kabanata. Ang kasaysayan ng “Ang mga Tao sa Yungib” ay nakasentro sa isang grupo ng mananampalatayang kalalakihang kabataan na namuhay sa isang lipunan ng di-naniniwala at politeismo. Ang mga kabataang ito ay inusig dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang hari at ang mga tao sa lungsod ay hindi pinapayagan ang mga kabataang lalaki na manampalataya sa Nag-iisang Tunay na Diyos. Ang hari ay kilala sa kanyang kalupitan at pang-aapi. Pinapatay niya ang mga hindi sumasang-ayon sa kanya. Hindi rin nagustuhan ng mga tao sa lungsod ang bagong tuklas na pananampalatayang ito ng mga kabataang lalaki. Sila rin ay hindi handang manindigan sa kanila o suportahan ang kanilang pinili. Dahil sa takot sa pang-aapi at posibleng pagkakulong at kamatayan, pinili ng mga kabataang lalaki na lisanin ang kanilang lungsod at tumakas alang-alang sa kanilang pananampalataya. Pinupuri sila ng Allah sa desisyong ito.
Hindi madaling magsakripisyo para sa iyong mga paniniwala, lalo na kung ang kapalit ay ang iyong tahanan, pamilya at mga kaibigan. Nang ang mga kabataang lalaki ay nagdesisyon at pinili na magpahinga sa isang yungib, pinagkalooban sila ng Allah ng isang natatanging himala, kung saan ang isa ay napanatili sa Qur’an. Sila ay natulog sa loob ng tatlong siglo, nang sa gayon ay maipakita sa kanila ng Allah ang Kanyang habag at tulong. Ito ang bunga ng mga taong pinipili ang Allah kaysa sa iba at nagsasakripisyo para sa Kanyang kapakanan.
Ang pangalawang pagsubok na binanggit sa loob ng kabanatang ito ay inilalarawan sa pamamagitan ng kasaysayan ng tao na nagmamay-ari ng dalawang hardin. Ang kwento ay umiikot sa kayamanan at kung paano ito isang pagsubok. Biniyayaan ng Allah ang lalaking ito ng maraming kayamanan; mga prutas ng hardin at mga ilog. Walang ipinagkait sa kanya. Dagdag pa dito, ay tinamasa rin niya ang pagpapala ng mga anak, mga alipin at iba pang mga tagasuporta.
Ngunit ang lahat ng nabanggit ay humantong lamang sa kanyang kayabangan at pagiging mapagmataas. Minamaliit niya ang kanyang kapus-palad na kaibigan at kinutya ang kanyang payo na maging mapagpasalamat sa Allah sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya. Iniisip niya na ang kanyang kayamanan at mga tauhan ay tanda ng pagmamahal at pagtanggap ng Allah. Bakit pa siya makakatanggap ng mga ganitong mga biyaya?! Samakatuwid, kahit na magkaroon ng muling pagkabuhay, tiyak na ang Allah na nagmamahal sa kanya at nagbuhos sa kanya ng gayong mga pagpapala sa buhay na ito, ay magdaragdag lamang sa kanya ng marami sa susunod.
Sinira ng Allah ang kayamanan ng lalaking ito upang ipakita sa kanya at sa atin na ang kayamanan sa mundong ito ay hindi isang palatandaan ng kasiyahan o poot ng Allah, subali’t sa halip ay isang pagsubok kung saan sinusubukan ng Allah ang ating pananampalataya, gawa at pag-uugali. Ito ay hindi tungkol sa kayamanan na mayroon at ng kanyang sarili.
Ang pangatlong kakaibang kasaysayan sa kabanatang ito ay ang kina Propeta Moses (AS) at Khidr (RA). Ito ay isang kasaysayan kung saan ang kaalaman ay magiging isang pagsubok. Marahil ito ay isang nakalilitong konsepto dahil karaniwan lamang nating iniuugnay ang kaalaman sa kabutihan at pakinabang. Gayunpaman tulad ng kayamanan, ang kaalaman ay ginagamit din para sa kabutihan o maling paggamit.
Maaari rin itong humantong sa pagiging mayabang, mapagmataas at minamaliit ang iba na itinuturing na kulang sa kaalaman kaysa sa mga marangal na katangiang dapat nating pagyamanin na nakapaloob sa atin; kahinhinan, mapagpakumbaba,kabanalan at isang tunay na pagmamalasakit sa kapakanan ng iba. Ilang beses na tayong nagkasala sa pagtataglay ng mga karumal-dumal na katangiang ito bilang bunga ng kaunting kaalaman na ating natamo?
Ang mga Sugo ng Allah ay biniyayaan ng kaalaman ng Banal na Kasulatan at ng pinakamataas na antas ng kaalaman ng tao.Sila ay higit sa mga kasalanan at negatibong mga katangian. Mga tao pa rin sila at umaasa sa Allah para sa kanilang kaalaman at walang ganap na kaalaman, dahil ito ay isang eksklusibong katangian ng Allah. Matalinong pinahihintulutan ng Allah ang mga sitwasyon sa buhay ng mga Sugo na maging mga aral para sa buong sangkatauhan upang ipakita ang Kanyang sukdulang kaalaman at karunungan.
Si Moses (AS), ang dakilang Sugo ng Allah, na biniyayaan ng maraming Banal na pagpapala sa kanyang buong buhay kabilang ang natatanging karangalan na direktang kausapin ng Allah na tumayo sa gitna ng kanyang mga tao at nagbigay ng pangaral. Tinanong siya kung sino ang pinaka-maalam sa sangkatauhan. Siya ay tumugon na siya ay nakabase sa kanyang nalalaman. Nakalimutan niyang iugnay ang sukdulang kaalaman sa Allah sa pagsasabing, “Ang Allah ang higit na nakakaalam.” Ang Allah sa Kanyang karunungan, ay ninais na turuan si Propeta Moises (AS)—at sa pamamagitan niya, nating lahat–isang aral sa pangkaisipang pagpapakumbaba at mga limitasyon ng kaalaman ng tao kahit na para sa mga may mataas na antas nito. Inutusan Niya si Propeta Moises (AS) na maglakbay sa bagtasan ng dalawang karagatan kung saan matatagpuan niya ang isang natatanging tapat na alipin ng Allah na nagngangalang Khidr. Isa siya sa pinagkalooban ng higit pang Banal na kaalaman kaysa kay Moises (AS) sa ilang bagay.
Si Moises (AS), ang marangal na Sugo ng Allah, ay sinimulan ang isang paglalakbay kasama si Khidr. Sa panahon na sila ay magkasama, ay nasaksihan ni Moises (AS) ang tatlong kahanga-hangang mga gawain ni Khidr: ang kusang palubugin ang isang barko, ang pagpatay ng isang batang lalaki, at ang pagkukumpuni ng gumuguhong pader sa isang lungsod na tumanggi sa kanila ng mabuting pakikitungo. Si Propeta Moises (AS), sa kabila ng kanyang katayuan at karunungan, ay hindi agad maunawaan ang dahilan sa likod ng mga gawaing ito at tinatanong bawat isa. Sa pagtatapos ng kanilang paglalakbay, ay ipinaliwanag ni Khidr ang Banal na karunungan sa likod ng bawat pagkilos, naghahayag na ang mga ito ay isinagawa ayon sa mga tagubilin at kautusan ng Allah at hindi pansariling ideya ni Khidr.
Ang kasaysayang ito ay mayaman sa mga aral at kagandahang-asal, karapat-dapat sa isang nakatuong artikulo upang ganap na tuklasin ang mga ito. Sapat nang sabihin na si Moises (AS), isa sa mga pinakadakilang Sugo ng Allah, ay nagpakita ng kababaang-loob, kahinhinan, at kahandaang matuto, kapag nahaharap sa kaalamang higit sa kanya.
Ito ay isang mabisang paalala na ang tunay na kaalaman ay nagsisimula sa pagkilala sa lawak ng hindi natin alam at mapagkumbababang pagpapasakop sa karunungan ng Allah. .















