
“Mga bagay na na dapat gawin mula sa Pambungad Na Kabanata”
Ito ay isang talaan ng bagay na gagawin na may isang pangungusap na hinango mula sa bawat Taludtod ng Pambungad na Kabanata
- Magsimula sa Pangalan ng Allah, ang Pinaka-Maawain, ang Pinaka-Mahabagin: Bigkasin ang pinagpalang pangalan ng Allah kapag nagsisimula ng isang bagay.
- Ang papuri at kaluwalhatian ay sa Allah, ang Panginoon ng mga Nilikha: Purihin ang Allah at ipakita ang pasasalamat sa Kanya, bilang ang Lumikha at Tagapagtaguyod ng sansinukob.
- Ang Pinaka-Maawain, ang Pinaka-Mahabagin: Ang biyaya ng Allah ay pangkalahatan. Sambahin ang Allah na umaasa sa Kanyang habag at pagpapatawad.
- Ang Panginoon ng Araw ng Paghuhukom: Maghanda para sa Araw ng Paghuhukom sa pamamagitan ng wastong pagsamba sa Allah.
- Ikaw lamang ang aming sinasamba at sa Iyo lamang kami humihingi ng tulong: Idirekta ang lahat ng pagsamba at mga panalangin sa Allah lamang.
- Patnubayan kami sa tuwid na landas: Humingi sa Allah ng patnubay at katatagan sa katotohanan.
- Ang landas na Iyong mga biniyayaan, ay yaong mga walang galit at hindi naliligaw: Sundin ang landas ng ipinahayag na kaalaman at kumilos naaayon dito.








