Skip to main content
Blogs

Ang Kapangyarihan ng isang Simpleng Pagbati: Assalamu alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh 

Bilang isang bagong Muslim, ay maaaring narinig mo na ang magandang pagbati sa Islam, ang Assalamualeikum.  Ang pagbating ito ay hindi lamang isang kaugaliang pagpapalitan ng mga salita;  nagtataglay ito ng malalim na kahulugan at kasaysayang may malalim na pinagmulan.

Isang Pagbati na may Banal na mga Pinagmulan

Nang nilikha ng Allah si Adan (AS), ang unang tao, ay itinuro niya sa kanya ang maraming mga bagay, kasama kung paano bumati sa iba. Ang pinaka-unang pagbati na ipinaabot ni Adan (AS) ay sa isang grupo ng mga Anghel. Kanyang sinabi, “Assalamu alaykum, na kung saan tumugon ang mga Anghel, ‘Wa Alaykumus Salam wa Rahmatullahi wa Barakatuh.” 

Inutusan ng Allah si Adan (AS) na ang pagbating ito ay magiging pagbati niya at ng kanyang mga supling. Ang pagbating ito ay ipinasa mula kay Adan (AS) hanggang sa kanyang mga supling at nanatiling pagbati ng Islam sa buong henerasyon ng mga sugo at mananampalataya, hanggang sa huling Sugo, kay Propeta Muhammad ﷺ at kanyang mga tagasunod. 

Tatlong Bahagi 

Ang pagbati ay maaaring kasing-ikli ng Assalamu alaykum at kasinghaba ng Assalamu alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.  Sa isang pangunahing antas, ang unang bahagi ay ang pinakamahalaga at ang panimulang bahagi kapag nag-aaral.  Mas higit na natututo ang isa at naisasagawa ng mas masaya habang dinaragdagan nito ang gantimpala at ang malalim na kahulugan.

Ang Malalim na mga Kahulugan sa Likod ng mga Salita

Ang pagbati ng Assalamu alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh ay higit pa sa isang paraan ng pangungumusta. Ito ay isang panalangin, isang pahayag, at isang kasunduan sa pagitan ng mga mananampalataya. Narito ang kahulugan ng bawat bahagi: 

Assalamu alaykum (Nawa’y sumainyo ang Allah ang Perpekto, ang Isang Malaya sa anumang kapintasan): Ito ay isang panalangin na humihiling sa Allah, na malaya sa anumang kapintasan, na protektahan at makasama ang taong iyong binabati.  Nangangahulugan ito na nais mo ang kanilang kaligtasan at seguridad sa kanilang panrelihiyon at makamundong buhay.

Wa Rahmatullahi (At ang Habag At Pagpapala ng Allah): Hinihiling mo na palibutan sila ng habag at pagpapala ng Allah, kinikilala na ang lahat ng mayroon tayo ay bunga ng awa at biyaya ng Allah.

Wa Barakatuh (At ang Kanyang mga biyaya): Ikaw ay naghahangad ng masaganang kabutihan para sa kanila, na hinihiling sa Allah na dagdagan at pagpalain sila sa bawat aspeto ng kanilang buhay.

Isang Pagbati na may Dakilang Kabutihan

Ang simple ngunit makapangyarihang pagbating ito ay nagbibigay ng maraming benepisyo: Ito ay pinagmumulan ng gantimpala mula sa Allah.

 Binubura nito ang mga kasalanan at tinutulungan tayong maabot ang wastong paniniwala, ang pagmamahal sa mga mananampalataya na humahantong sa Paraiso, at ito ay isang bigkis ng proteksyon at pagtitiwala, na nagpapahiwatig na ang taong iyong binati ay ligtas sa anumang pinsala mula sa iyo.

Pagsasagawa ng Pagbati sa Iyong Buhay

Sa tuwing iyong bibigkasin ang Assalamu alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh, alalahanin ang malawak na saklaw ng kahulugan nito. Isipin ang kahalagahan ng mga salita, maniwala sa mga ito, at isama ang mga ito sa iyong pakikipag-ugnayan sa mga kapwa Muslim.

Nawa’y pahintulutan tayo ng Allah na lubos na maunawaan at taos-pusong ibigin ang pagbating ito sa tuwing sinasabi natin ito, na ginagawa itong pinagmumulan ng kaligtasan at proteksyon, awa, biyaya, at mga pagpapala sa ating buhay.

#GawinItongMakabuluhan

deen mohammad

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x