
Ang pag-aayuno ay isa sa limang haligi ng Islam. Ang bawat Muslim nasa tamang pag-iisip at may pisikal na kakayahan, na umabot sa wasting edad (pagbibinata o pagdadalaga), ay dapat mag-ayuno sa lahat ng mga araw na ito. Gayunpaman, may ilang mga pangyayari kung saan ang pag-aayuno ay hindi pinapayagan. Sa mga sitwasyong ito ang ilang mga araw ng Ramadan ay nakakaligtaan. Paano babayaran ng isang tao ang nakaligtaang pag-aayuno sa mga sitwasyong ito?
Ang mga kautusan ng Allah ay isang mabigat na responsibilidad, nguni’t kaakibat ng mga ito ang konsiderasyon at kadalian para sa mga tao. Sa mga talata ng pag-aayuno, ay ipinahayag ng Allah ang mga sumusunod na alituntunin, “Hangad ng Allah na ito ay gawing magaan para sa inyo, hindi mahirap.” [2:185]
Isa-isa in natin ang mga dahilan kung bakit maaaring hindi mag-ayuno ang isang tao.
Ang unang dahilan ay ang pagkakasakit. Ang pagkakasakit ay maaaring isang araw na ang isang tao ay masama ang pakiramdam at samakatuwid ay hindi makapag-ayuno. Maaaring ito ay isang sakit na tumatagal ng ilang araw. Maaaring ang isang tao ay may malubhang karamdaman sa buong Ramadan.
Ang pangalawang dahilan ay ang paglalakbay. Ang likas na katangian ng paglalakbay ay kadalasang kinabibilangan ng kakulangan ng lakas at pagkapagod, kaya ang Allah ay nagbigay ng tanging karapatan para sa mga naglalakbay na putulin ang kanilang pag-aayuno sa mga araw na wala sila sa bahay.
Tungkol sa unang dalawang kategorya na isinasaad sa Qur’an, “Kaya, sinumang sa inyo ang nakatanaw sa [bagong buwan ng] buwan [ng Ramadan], siya ay nararapat na mag-ayuno, at sinuman ang may karamdaman o nasa paglalakbay, ang katumbas na bilang ng araw ng pag-aayuno sa ibang araw ay dapat tuparin [bilang kabayaran ng pagliban].” [2:185]
Samakatuwid, parehong ang may karamdaman at mga naglalakbay ay hindi obligadong mag-ayuno sa mga araw ng kanilang pagkakasakit o paglalakbay ayon sa pagkakabanggit. Sa halip, ay kanilang babayaran ang mga mga araw na nakaligtaan pagkatapos ng buwan ng Ramadan tulad ng mga ipinahayag ng Allah sa talata sa itaas.
May mga tao na dumaranas ng pangmatagalang talamak o nakamamatay na mga sakit. Ang isang may kaugnayan na kategorya ay ang mga matatanda at may kapansanan na masyadong mahina para mag-ayuno. Sa ganitong mga sitwasyon kapag ang isang tao ay ganap na walang kakayahan para mag-ayuno dahil sa isang nakamamatay na sakit, katandaan o kahinaan, sila ay magpapakain ng isang mahirap na tao para sa mga araw na hindi nakapag-ayuno. Sinabi ng Allah, “At yaong mga [nakararanas ng kahirapan na] may kakayahan namang magbayad ng Fidyah [kapalit ng di-pag-aayuno], sila ay nararapat magpakain ng isang dukha [sa bawat araw].” [2:184]
Ang pangatlong dahilan ay ang kategorya ng mga kababaihan sa panahon ng buwanang dalaw at pagdurugo sa panganganak. Pareho silang pinaghihigpitan at hindi pinahihintulutang mag-ayuno sa panahon ng likas na kondisyong ito. Nguni’t babayaran nila ang mga araw kung kailan sila ay may kakayahan pagkatapos ng buwan ng Ramadan.
Ang pang-apat na dahilan ay ang kategorya ng isang buntis at nagpapasusong mga kababaihan. Ang pag-aayuno ay maaaring may masamang epekto sa kanilang katawan o sa kalusugan ng kanilang mga sanggol. Sa ganitong kaso, sila ay pinapayagan na hindi mag-ayuno sa Ramadan at bayaran ang mga araw kung kailan nila kaya.
Sa lahat ng mga pangyayari sa itaas kung saan ang mga pag-aayuno ay binabayaran, ang mga ito ay dapat na makumpleto o mabayaran bago sumapit ang susunod na Ramadan, binibigyan ang isang tao ng labing-isang buwan na palugit. Inirerekomenda na bayaran ang mga pag-aayuno sa lalong madaling panahon. Ang isa ay maaaring magpasyang mag-antala sa pagbabayad ng mga ito hangga’t ang mga ito makumpleto bago ang susunod na Ramadan.