
-
Takot: Subali’t sila ay huwag niyong katakutan bagkus Ako lamang ang katakutan, kung [tunay nga na] kayo ay naniniwala.” (Qur’an: 3:175)
Lunas: Alisin ang takot mula sa mga tao at tungo sa Allah sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiwala.
-
Kalungkutan: “Huwag kang malungkot, katiyakan, ang Allah ay kasama natin.” (Qur’an: 9:40)
Lunas: Ang lunas ay nagmumula sa pamamagitan ng pag-alala sa tulong at presensya ng Allah.
-
Pagkabalisa: At katiyakan, Aming [lubos na] nababatid ang paninikip ng iyong dibdib sanhi ng anumang kanilang mga sinasabi.” (Qur’an: 15:97)
Lunas: Pagkatapos mismo ng pahayag na ito ng pagpapatunay, ang puso ay nakatuon sa pagluwalhati sa Allah at pagsamba.
-
Galit: “…Ang may mga takot sa Allah, ay [yaong] mga nagtitimpi ng kanilang galit, at nagpapatawad sa tao – at Ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan.” (Qur’an: 3:133-134)
Lunas: Pigilan ang galit sa pamamagitan ng pagtitimpi, pagpapatawad, at paghahangad ng dakilang pagtugon upang makamit ang pagmamahal at Paraiso ng Allah.

Pinangalanan ng Qur’an ang Iyong mga Emosyon





















