
- Kaya kapag ikaw ay nakapagpasya na, sa gayon ay magtiwala sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa mga nagtitiwala [sa Kanya].” [3:159]
- “Ang Allah ay sapat na para sa amin at napakabuti Niyang Tagapangasiwa [ng lahat].” [3:173]
- “Kung kayo ay naniniwala sa Allah, samakatuwid, inyong ipagkaloob ang ganap na tiwala sa Kanya, kung kayo nga ay mga Muslim [na tumatalima sa Kanya].” [10:84]
- “Katotohanan, ako ay nagtitiwala sa Allah, na Siyang aking Panginoon at iyong Panginoon.” [11:56]
- “At bakit nga hindi kami magtitiwala sa Allah gayong Siya ang tunay na nagpatnubay sa amin sa aming mga [mabubuting] gawa?” [14:12]
- “At magtiwala sa [Allah na] laging Nananatiling Buhay [di-namamataya], at Siya ay iyong luwalhatiin ng Kanyang mga papuri.” [25:58]
- “At sinuman ang magbigay ng kanyang tiwala sa Allah, samakatuwid, Siya [ang Allah] ay sapat na para sa kanya.” [65:3]

Mga Talata sa Qur’an sa Pagtitiwala sa Allah
























