Skip to main content
Blogs

𝐀𝐍𝐆 π‡π”π‹πˆππ† ππ€π€π‹π€πŒ 𝐍𝐆 ππ‘πŽππ„π“π€ πŒπ”π‡π€πŒπŒπ€πƒ ο·Ί

𝐀𝐍𝐆 π‡π”π‹πˆππ† ππ€π€π‹π€πŒ 𝐍𝐆 ππ‘πŽππ„π“π€ πŒπ”π‡π€πŒπŒπ€πƒ ο·Ί
Dumating ang panahon na ang lahat ng bahagi ng Arabia ay naging lupain ng Islam. Hinangad ng Propeta na isagawa ang paglalakbay sa Banal na Ka’bah, ang Hajj. Ipinahayag niya ang kanyang hangarin sa mga Muslim sa Madinah at ang mga lugar sa paligid nito. Inaanyayahan silang sumama sa kanya. Ito ang tanging Hajj na kanyang isinagawa sa tanang buhay niya.
Sa pagkakataong ito ay sinikap niyang ihatid sa lahat ng mga naroong kasama niya at sa sangkatauhan sa buong daigdig ang tungkol sa Hajj at sa Banal na Balita na ipinahayag sa kanya ng Allah para sa sangkatauhan.
Isang malaking pagtitipon ng Ummah (lipunan ng mga Muslim) sa huling pagpapaalam ng Propeta sa isinagawang Hajj. Ang β€œHijat Al-Wada” (ang pamamaalam) na sermon ay ipinahayag ng Propeta Muhammad (ο·Ί) sa bundok ng Arafat, mga 81 o 82 araw bago siya pumanaw. Naglalaman ito ng mga pangunahing bagay sa Islam.

Habang nakasakay sa kanyang kamelyo, nagsalita siya sa isang malinaw na boses at hiningi sa mga nakikinig sa kanyang mga pahayag na ipaabot ang mensahe sa lahat ng tao na wala roon:

O sangkatauhan, makinig sa akin, dahil hindi ko alam kung ako ay makakasama pa ninyo pagkatapos ng taong ito. Kaya’t makinig nang mabuti sa aking ipahahayag sa inyo at ihatid ang mga ito sa mga wala rito ngayong araw na ito.
O sangkatauhan, gaya ng inyong pagsasaalang-alang sa buwan na ito, sa araw na ito, sa banal na lungsod na ito, kaya’t isaalang-alang na mabuti ang buhay at ari-arian ng bawat Muslim na ipinagkatiwala sa inyo. Ibalik ang mga ari-arian na ipinagkatiwala sa inyo sa mga nagmamay-ari. Huwag manakit, para kayo ay hindi saktan. Alalahanin na inyong makakaharap ang inyong Nag-iisang Panginoon, at Kanyang huhusgahan ang inyong mga gawa. Ang inyong Nag-iisang Panginoon ay pinagbawalan kayong makibahagi sa anumang uri ng patubuan (Riba), kaya ang lahat ng uri ng pagpapatubo ay dapat talikdan.
Mag-ingat kay Satanas, para sa kapakanan ng inyong relihiyon. Siya’y nawalan ng pag-asa na iligaw kayo sa malalaking kasalanan, kaya mag-ingat sa mga maliliit na bagay na nagdudulot ng pagkakasala..
O sangkatauhan, katotohanan na may karapatan kayo sa inyong mga kababaihan, subali’t alalahanin ninyo na sila rin ay may karapatan sa inyo. Kung sila ay manatiling tapat sa inyong karapatan, sila ay may karapatan na inyong damitan at pakainin nang maayos. Pakitunguhan nang mabuti ang inyong mga kababaihan at maging mabait sa kanila, dahil sila ang inyong kasama at mapagkakatiwalaang kaagapay. At karapatan ninyo na huwag silang makipagkaibigan sa kanino man nang wala kayong pahintulot, at kailanman ay huwag silang maki-apid.
O sangkatauhan, makinig sa akin nang taimtim, sambahin ang Allah, isagawa ang limang beses na pagdarasal, mag-ayuno sa buwan ng Ramadan, magbigay ng Zakat, at isagawa ang Hajj kung may kakayahan. Batid ninyong ang bawa’t Muslim ay magkakapatid sa isa’t isa. Kayo’y magkakapantay-pantay. Walang sinuman ang nakahihigit sa iba maliban sa mga may takot sa Allah at may mabubuting gawain.
Alalahanin, darating ang araw na haharap kayo sa Allah at pananagutan ang inyong mga gawain. Kaya mag-ingat, hawag lumihis sa tuwid na landas pagkatapos ng aking kamatayan.
O sangkatauhan, walang Propeta o Sugo na darating pagkatapos ko at walang bagong pananampalataya ang isisilang. O sangkatauhan, maging makatwiran, at intindihin ang aking mga pa-hayag. Iiwanan ko ang dalawang bagay, ang β€œQur’an” at ang aking β€œSunnah” at kapag inyo itong pinanghawakan, kailanma’y hindi kayo mawawalay sa tuwid na landas.
Kayong lahat na nakinig sa akin, ipahayag ninyo ang aking mga pangungusap sa iba, at sila nama’y sa iba. At sana, ang mga huli ay mauunawaang mabuti ang aking mga pahayag kaysa sa mga nakinig sa akin nang harapan. Kayo ang aking magiging saksi sa Allah, na aking nai-paabot ang pahayag sa inyo.
Ang kahalagahan ng pangaral na ito ay nagpapahiwatig na bilang na ang natitirang araw ng Propeta. Kanyang naramdaman na ito ang tamang panahon upang pagtibayin ang Panuntunan ng Islam sa kanyang mga tagasunod.
Sa pagiging ganap ng relihiyong ito, nangangahulugan lamang na hindi kailangan ng sangkatauhan, lalo na ang mga Muslim, na umasa pa sa ibang pagpipiliang pamamaraan ng pamumuhay. Walang sinuman ang lilihis sa tuwid na landas habang nananatiling matapat sa dalawang bagay na iniwan ng Propeta Muhammad (ο·Ί) (Ang Qur’an at ang Sunnah ng Propeta).
Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x