
Maaari mong baguhin ang mga pang-araw-araw na gawain sa mabubuting gawa sa paglalayong pasayahin ang Allah sa pamamagitan ng mga ito. Narito ang ilang mga halimbawa:
- Pagkain – naisin na magkaroon ng lakas upang isagawa ang iyong mga obligasyon bilang isang Muslim at sambahin ang Allah ng may higit na lakas.
- Pagtulog – naisin na magpahinga upang mas higit kang makasamba at hayaang bumawi ang katawan.
- Pagtatrabaho – layuning maghanap ng legal na pagkakakitaan para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.
- Pamimili – hangarin ito bilang isang kawang-gawa, dahil ang pagpapakain at pagdadamit sa iyong sarili at pamilya ay mga gawaing pagsamba.
- Pagbisita – ang pagbisita sa mga Muslim na kaibigan para sa kapakanan ng Allah ay isang mabuting gawain.
- Mga Magulang – hangarin na maging mabuti at masunurin sa kanila para malugod ang Allah.
- Paliligo at Kalinisan – hangarin na maging dalisay at malinis dahil ibig ito ng Allah.








