Skip to main content
Blogs

𝗞𝗔𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗙𝗔𝗛

𝗞𝗔𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗙𝗔𝗛
Pinili ni Allah ang ilang mga panahon na mas dakila at mabiyaya kaysa sa iba. Pinili ang Dhul Qa’dah, Dhul Hijjah, Muharram, at Rajab bilang mga Al Ashurul Hurum o Sagradong mga Buwan. Gayundin, ang Shawwal, Dhul Qa’dah, at Dhul Hijjah bilang Ashrum Ma’lumat o Kilalang mga Buwan ng Pagsasagawa ng Hajj. Itinakda ang Unang Sampung Araw ng Dhul Hijjah bilang Ayyaam Ma’lumat o Kilalang mga Araw ng Gawain ng Hajj – kung saan lahat ng Gawaing Kabutihan ay mas mainam, dalisay, at mabiyaya pa kaysa sa Pakikibaka sa Landas ni Allah – para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj.
Sa Unang Sampung Araw na ito ng Dhul Hijjah ay naroroon ang Yawm ‘Arafah – na siyang Araw na kinumpleto ni Allah ang Kanyang relihiyon – ang Islam:
﴿الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمْ الْإِسْلَامَ دِينًا﴾ سورة المائدة:5
“Sa Araw na ito ay kinumpleto Ko na para sa inyo ang inyong Relihiyon, at ginanap para sa inyo ang Aking mga biyaya, at kinalugdan ang Islam bilang inyong Relihiyon”
Ang pag-aayuno rin sa Araw na ito ang minithi ng Sugo (sallallahu ‘alayhi wa sallam) na maging kapatawaran sa mga pagkakasala para sa nauna at susunod na taon. Ito rin Araw ng Eid ng mga nagsasagawa ng Hajj. Gayundin, ang dua o panalangin sa Araw na ito ay isa sa pinakadakilang dua. Sinabi na Sugo (sallallahu alayhi wa sallam):
(خير الدعاء دعاء يوم عرفة )
“Pinakamainam na panalangin: ang Panalangin sa Araw ng Arafah” At ito ay ang pagsasabi ng: “Laa ilaaha illallah, wahadahu laa shareeka lahu, lahul mulku wa lahul hamdu wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer.” At alisunod din sa sinabi ng Sugo (sallallahu alayhi wa sallam) na pinakamaraming pinalalaya mula sa Apoy sa Araw ng Arafah.
𝗦𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼, 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗻𝗶 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝗳𝗮𝗵 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗔𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹. 𝗚𝗮𝘆𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻, 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗷𝗷 – “𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗷𝗷 𝗮𝘆 ‘𝗔𝗿𝗮𝗳𝗮𝗵.” 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮, 𝗽𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗿𝗶, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗸𝗮𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼. “𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵𝘂 𝗮𝗸𝗯𝗮𝗿, 𝗮𝗹𝗹𝗮𝗵𝘂 𝗮𝗸𝗯𝗮𝗿, 𝗮𝗹𝗹𝗮𝗵𝘂 𝗮𝗸𝗯𝗮𝗿… 𝗟𝗮𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗮𝗵𝗮 𝗶𝗹𝗹𝗮𝗹𝗹𝗮𝗵𝘂… 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵𝘂 𝗮𝗸𝗯𝗮𝗿, 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵𝘂 𝗮𝗸𝗯𝗮𝗿, 𝘄𝗮 𝗹𝗶𝗹𝗹𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗵𝗮𝗺𝗱.”
𝘕𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘪 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘢 – 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 – 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘈𝘱𝘰𝘺 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘥𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢. Allahumma Ameen!
Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x