Ang Ka’bah ay ang unang bahay sambahan na inilaan sa Nag-iisang Tunay na Diyos sa daigdig. Ito ang direksyon kung saan humaharap ang mga Muslim sa kanilang pang-araw-araw na panalangin at ang destinasyon na kanila ring itinuro na lakbayin kung sila ay may mapagkukunan upang maisagawa ang paglalakbay sa banal na lugar. Ito ay isang lugar na nagtataglay ng malaking paggalang at pagpipitagan sa puso ng mga Muslim sa buong mundo, marami sa kanila ang nag-iipon ng malaking salapi upang mabisita ito. Ang literal na kahulugan ng Ka’bah ay isang solido na may anim na hugis-parihaba na may tamang mga anggulo sa bawat isa (cuboid), kaya ipinangalan ito sa hugis nito. Ang pinanggalingan ng salita ay tumutukoy sa isang itinaas na istraktura.
Ang Pundasyon ng Ka’bah
Malinaw na nakasaad sa Qur’an na binuo ni Propeta Abraham (AS) ang Ka’bah. Ang mga pundasyon na kinilala ni Abraham (AS) at itinaas ay inilatag ng mga Anghel bago ang paglikha kay Adan (AS), ang unang tao. Ito ay binago ni Adan (AS) ng siya ay bumaba sa lupa.
Itinaas ni Propeta Abraham (AS) ang mga Pundasyon ng Ka’bah
Si Propeta Abraham at Ishmael (Sumakanila nawa ang kapayapaan) ay initusan ng Allah na itaas ang mga pundasyon ng Ka’bah. Sinabi ng Allah, “Si Propeta Abraham at Ishmael (AS) ay nagtaas ng mga pundasyon ng Ka’bah. Tulad ng ginawa nila, sila ay humiling na may pagpapakumbaba sa Allah na tanggapin ang lahat ng kanilang mga gawain, kabilang ang pagtatayo sa Ka’bah. (2:127)
Si Ishmael (AS) ang magdadala ng mga bato sa kanilang ama na si Abraham (AS), na siyang susunod na maglalagay at mag-aayos sa kanila upang itayo ang Ka’bah. Habang itinatayo ang istraktura, si Propeta Abraham (AS) ay tumayo sa isang malaking bato upang matapos ang pagtatayo nito. Ang malaking bato na kanyang tinuntungan ay kilala bilang “Maqam Ibrahim“, ang eksaktong ‘lugar na tinayuan ni Abraham (AS).
Mga Pag-aayos Pagkalipas ng mga Taon
Ayon sa kasaysayan, ilang tribo ng mga Arabo ang maninirahan sa Makkah, bawat isa ay magpipitagan sa Ka’bah at mag-iingat sa pangangalaga at pagsasaayos nito. Minana nila ang tradisyong ito mula kina Propeta Abraham at Ishmael (AS). Ang Makkah at isang lambak na napapalibutan ng mga bundok, na ang Ka’bah ay nasa gitna. Kaya’t madalas itong binabaha kapag umuulan sa lungsod. Sa paglipas ng panahon, habang ang istraktura ay humihina o nasisira dahil sa pagbaha at iba pang mga elemento, aayusin ito ng mga tribong ito.
Ang muling Pagtatayo ng mga taga-Quraysh
Ang tribo ng Quraysh, na siyang mga inapo ni Propeta Abraham at Ishmael (AS), ang naging tagapangalaga ng Ka’bah sa nakalipas na ilang henerasyon bago ang kapanganakan ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah). Limang taon o higit pa bago nagsimula ang ministeryo o paglilingkod ni Propeta Muhammad ﷺ, ay binaha ang Makkah at lubhang pinahina ang istraktura ng Ka’bah. Dahil dito ay nagdesisyon ang mga taga Quraysh na muli nilang itayo ang Ka’bah mula sa mga pundasyon nito upang patibayin ito.
Sa kabila ng pangangailangan, sila ay nag-atubiling simulan ang trabaho, dahil sa pagiging mapamahiin tungkol sa pag-alis ng lumang istraktura. Ang isa sa mga maharlikang taga Quraysh, na si Al-Walid, ay nagboluntaryong mauna sa pagsisimula ng gawain. Sinundan siya ng iba. Nagdesisyon din ang mga taga Quraysh na gagamitin lamang nila ang kayamanan na tiyak nilang nakuha mula sa matuwid na paraan. Nagdulot ito sa kakulangan ng kanilang pondo, at kaya ang isang bahagi ng Ka’bah ay nanatiling nasa labas ng istraktura, sa halip, ito ay minarkahan na may isang hugis na parang kalahating bilog na dingding na makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ang lahat ng mga taga Quraysh, kabilang si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah), ay nakiisa sa muling pagtatayo ng natatanging istrakturang ito.
Ang huling natitira sa pagtatayo ng Ka’bah ay ang pagpapalit ng Itim na Bato, na siyang pundasyon ng istraktura at may makalangit o banal na pinagmulan at komposisyon. Lahat ng mga maharlikang Quraysh ay nagnanais ng karangalan na palitan ang bato. Ito ay naging sanhi ng isang pagtatalo. Sa huli sila ay sumang-ayon na ang susunod na tao na papasok sa loob ay hahatol at magpapasya sa kung sino ang tatanggap ng karangalang ito. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) ang tao na pumasok, at siya ay nagpasya na ilagay ang Itim na Bato sa isang tela, at magkaroon ng kinatawan ang bawat angkan, na magtataas ng piraso ng tela sa lugar ng Itim na Bato sa Ka’bah. Pagkatapos ay inilagay ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) ang Bato sa lugar nito.
Ang Pagtatayo ng Ka’bah
● Ang Ka’bah ay isang solidomg istraktura na may anim na hugis-parihaba na may tamang anggulo sa bawat isa.
● Ang may hugis na parang kalahating bilog na dingding sa isang bahagi ay kilala bilang isang ginibang bahagi at parte ng orihinal na istraktura, iniwan o hindi isinama ng mga taga Quraysh dahil sa kakulangan ng pondo.
● Ang istraktura (Ka’bah) ay may apat na sulok. Ang isang sulok ay naglalaman ng Itim na Bato. Ito ang simula at pagtatapos ng bawat pag-ikot sa panahon ng ritwal ng peregrinasyon o hajj.
● Ang sulok bago ang Itim na Bato ay kilala bilang ang kanto ng Yemen (Yemeni corner), dahil ang direksyon nito ay nakaharap sa Yemen sa Timog.
● Ang pinto ng Ka’bah ay nakataas mula sa lupa. Ginawa ito ng mga taga Quraysh upang pigilan ang mga tao na pumasok na wala ang kanilang pahintulot.
● Ang Ka’bah ay natatakpan na ngayon ng isang tela na kilala bilang ‘kiswah.’ Ito ay ang Itim na tela na binurdahan ng mga talata ng Qur’an na nakatakip sa istraktura. Ito ay pinapalitan taun-taon.
I have read your article carefully and I agree with you very much. So, do you allow me to do this? I want to share your article link to my website: gateio
I have read your article carefully and I agree with you very much. This has provided a great help for my thesis writing, and I will seriously improve it. However, I don’t know much about a certain place. Can you help me?