Skip to main content
Blogs

Ang Panalangin ng Pagluwalhati sa Allah

Ang panahon ng paglalakbay sa Makkah o Hajj at ang Eid ng Pagsasakripisyo ay may partikular na mga kaugalian na nauugnay sa mga ito. Ang isa sa pangunahing mga kaugalian at mga ritwal para ika-labing tatlong araw ng Lunar ng Islamikong buwan ay ang panalangin ng pagluwalhati sa Allah na ang “Takbir” ay binibigkas. Ang mabubuting gawain sa mga araw na ito ay minamahal ng Allah tulad ng sinabi ni Propeta Muhammad (SAWS): “Walang mga araw kung saan ang mabubuting gawain ay higit na minamahal ng Allah kaysa sa sampung mga araw na ito.”

Ang panalangin ng pagluwalhati, ang “Takbir,” ay isang uri ng panalangin na walang petisyon o kahilingan, sa halip ito ay isang pahayag ng pagluwalhati sa Allah.  Ito ay isang uri ng pagbigkas sa Allah at madalas mali ang pagsasalin bilang pag-alala. Sinasabi ng mga Muslim ang panalangin na ito sa lahat ng oras, lalo na sa panahon ng pagtawag ng Salah, at sa panahon ng mga itinakdang ritwal na debosyon kapag lumilipat mula sa isang posisyon tungo sa susunod.

“Walang mga araw kung saan ang mabubuting gawain ay higit na minamahal ng Allah kaysa sa sampung mga araw na ito.”

Muhammad (SAW)

 Ang salitang ginagamit para sa partikular na panalanging ito sa panahon ng buwan ng paglalakbay sa Banal na lugar o Hajj at sa Eid ng Pagsasakripisyo ay , “Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar la ilaaha illa-Allah wa Allahu Akbar, Allahu Akbar, wa lillah il-hamd (Ang Allah ang Pinaka Dakila, ang Allah ang Pinaka Dakila, walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah).  Ang Allah ang Pinaka Dakila, ang Allah ang Pinaka Dakila, at sa Allah ang lahat ng papuri.)”

Niluluwalhati natin ang Allah para pasalamatan at purihin Siya sa Kanyang maraming mga pagpapala na hindi natin mabilang.  Ang halimbawa ng maraming pagpapala na mayroon tayo ay: ang kakayahan na sambahin Siya, ang pagkain natin, ang salapi na maaari nating gastahin at ang pamilya at mga kaibigan na nakapaligid sa atin. Ang panalanging ito ay inirerekomenda para sa lahat na sabihin sa buong natatanging yugto ng panahon na ito.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x