Skip to main content

Ang Walong Tumatanggap ng Obligadong Kawang-gawa (Zakah)

Ang Walong Tumatanggap ng Obligadong Kawang-gawa (Zakah)

Binanggit ng Allah ang walong mga tumatanggap o mga karapat-dapat tumanggap ng obligadong kawang-gawa sa Kabanata 9, talata 60 ng Qur’an. Sila ay:

  1. Ang Mahihirap – ito ang mga tao na walang anumang salapi o mayroong napakakaunti nito, ang mga naghihirap sa araw-araw. 
  2. Ang mga Nangangailangan – ito ang mga tao na may kaunting kayamanan, nguni’t hindi ito sapat na matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan.
  3. Mga Tagapangasiwa – ito ang mga tao na nakatalaga sa pangongolekta o pamamahagi ng obligadong kawang-gawa sa isang Islamikong bansa, at sa gayon ay nangangailangan ng sahod para sa kanilang trabaho.
  4. Nakipagkasundo – ito ang mga tao na bagong yakap sa Islam at dahil dito ay naputol ang kanilang kayamanan o nanggaling sila mula sa mahirap na pamilya, at nangangailangan ng pinansyal na tulong. Maaari rin itong ibigay sa ibang partikular na tao.
  5. Pagpapalaya – ang mga alipin at ang mga nasa pagkaalipin na may pagkakataong bilhin ang kanilang kalayaan ay maaaring matulungan sa pamamagitan ng obligadong kawang-gawa.
  6. Pagkakautang – ang mga may utang ay maaaring matulungan sa pamamagitan ng obligadong kawang-gawa.
  7. Sa Kapakanan ng Allah – ito ay upang matulungan ang mga taong nagsusumikap para sa layunin ng Islam.
  8. Hindi Makauwing mga Manlalakbay – ito ay partikular para sa mga nasa ibang bansa, naubusan ng salapi at walang paraan ng pagkuha sa mga pondo, upang matulungan silang makauwi.
o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x