١ – “إن من كان قبلكم رأوا القرآن رسائل من رَبِّهم فكانوا يتدبرونها بالليل وينفِّذونها بالنهار”.
الحسن البصري
1. “Tunay na ang mga nauna sa inyo, ay kanilang nakikita ang Qur’an bilang mga Mensahe mula sa kanilang Rabb (Panginoon), kaya’t kanila itong pinagmumuni-munihan sa gabi, at kanila naman itong isinasakatuparan at ginaganap sa araw”.
• Al-Hasan Al-Basri
٢ – إذا أردتَ الرِّفْعَة فعليك بالقرآن فهو سبب الرفعة في الدنيا والآخرة لمن اعتنى به بصدق وإخلاص،
قال النبي صلى الله عليه وسلم: ((إن الله ليرفع بهذا الكتاب أقوامًا ويضع به آخرين)).
2. “Kung hangad mo ang pag-angat o kadakilaan, ay nararapat lamang na iyong pagtuonan ang Qur’an, sapagkat ito ang dahilan ng kadakilaan at pag-angat sa mundo at sa Huling Araw para sa sinumang nagpapahalaga Nito nang may katapatan at kadalisayan, sinabi ni Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan, habag at pagpapala ng Allah):
“Tunay na ang Allah ay Kaniyang itinataas sa pamamagitan ng Aklat na Ito (Qur’an) ang iilan sa mga pamayanan, at ganundin naman ay Kanyang ibinababa ang iba sa pamamagitan Nito (Qur’an)”.
٣-اذا وجدتَ قلبك لا يتلذَّذُ بالقرآن ولا يستمتع بتلاوته فَدَاوِهِ وعالِجْهُ، فقد قال عثمان بن عفان رضي الله عنه: ((لو سَلِمَتْ قلوبكم ما شبعتم من كلام ربكم)).
3. Kung iyong matatagpuan ang iyong puso na hindi nakakadama ng kasarapan sa pamamagitan ng Qur’an, at hindi rin nasasarapan sa pagbabasa Nito, ay iyo itong gamutin at solusyunan, dahil sinabi ni Uthmān bin ‘Affān (kinalugdan siya ng Allah):
“Kung malinis lamang ang inyong mga puso, hindi sana kayo nabusog sa Salita ng inyong Panginoon Allāh (Qur’an)”.
٤-قارئ القرآن رابح في كل حال،
فقد قال النبي صلى الله عليه وسلم : ((الْمَاهِرُ بِالْقُرْآنِ مَعَ السَّفَرَةِ الْكِرَامِ الْبَرَرَةِ، وَالَّذِي يَقْرَأُ الْقُرْآنَ، وَيَتَتَعْتَعُ فِيهِ، وَهُوَ عَلَيْهِ شَاقٌّ لَهُ أَجْرَانِ)) .
4. Ang nakapagsaulo ng Qur’an ay matagumpay sa lahat ng pagkakataon, dahil sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan, habag at pagpapala ng Allah) : “Ang magaling sa Qur’an ay kasama niya ang mga dakila at matataas na mga anghel, at siya na nagbabasa ng Qur’an, at nahihirapan sa pagbigkas nito, ay mayroon siyang dalawang gantimpala”.
٥- أعظم رفعة أن يرفعك الله في أعلى درجات الجنان، وهذا يناله من وُفِّقَ لحفظ القرآن،
قال النبي صلى الله عليه وسلم: ((يُقَالُ لِصَاحِبِ الْقُرْآنِ: اقْرَأْ وَارْتَقِ، وَرَتِّلْ كَمَا كُنْتَ تُرَتِّلُ فِي الدُّنْيَا؛ فَإِنَّ مَنْزِلَكَ عِنْدَ آخِرِ آيَةٍ تَقْرَؤُهَا)).
5. Ang pinakadakilang antas, ay ang itaas ka ng Allah sa pinakamataas na mga antas sa mga Paraiso, na ito ay makakamit ng sinumang nabiyayaan ng tulong sa pagsaulo ng Qur’an, sinabi ni Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan, habag at pagpapala ng Allah): “Sasabihin sa nakasaulo ng Qur’an: Ikaw ay magbasa, at pumanik, at ikaw ay magbigkas ng Qur’an nang marahan at malumanay, nang katulad sa pagbigkas mo Nito sa mundo, dahil tunay na ang iyong magiging antas ay sa huling ayah o talata na iyong bibigkasin”
Isinulat ni: Shaykh Muhammad Granaderos
NMA-PH Visting Lecturer
#NewMuslimPH
www.NewMuslimAcademy.ph
See less