Ang halimbawa ni Propeta Muhammad (SAWS) (ang Sunnah), ay may pangunahing mga katangian na matatagpuan dito. Narito ang ilan sa mga ito:
- Habag – ang halimbawa ni Propeta Muhammad (SAWS) ay puno ng habag at kabutihan. Ito ay matatagpuan sa hindi mabilang na mga halimbawa sa kung paano niya pinakitunguhan ang iba – mula sa pinakabatang mga miyembro ng komunidad hanggang sa pinakamatanda. Siya ay mabait sa sa bawat pakikipag-ugnayan – kahit na sa mga hayop at mga puno.
- Katarungan – ang halimbawa ni Propeta Muhammad (SAWS) ay puno ng katarungan – maging sa mga taong malapit sa kanya kapag sila ay nagkamali, o sa kanyang mga kaaway kapag sila ay nagapi.
- Malawak ang Saklaw – ang halimbawa ni Propeta Muhammad (SAWS) ay malawak at sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay, maging sa ritwal na mga debosyon, o mga suliranin ng pamilya, komunidad, negosyo, at mga politika.
- Malambing at may Punto – ang Sunnah ay madalas na maiksi at madali, dahil ang mga salita ni Propeta Muhammad (SAWS) ay hindi mahabang sermon, nguni’t maikli at makahulugang mga salita na madali itong kabisaduhin at tandaan.
- Kagalang-galang – ang halimbawa ni Propeta Muhammad ﷺ ay laging nananawagan sa kung ano ang pinakamabuti at pinakamarangal na paraan sa lahat ng bagay.