Skip to main content
BlogsHAJJ 1443 [2022]

PARA SA KAPATID NA BAGONG HAJJI

Pasalamatan mo ng Lubos si Allah – subhanahu wa ta’ala – sa pagkakataong ibinigay sa iyo upang maisakatuparan ang Ikalimang Haligi ng iyong Pananampalataya. Mula sa napakaraming Muslim na minimithing makarating sa Makkah at makapag-Hajj, ikaw ang pinili Niya.
Alhamdulillah at nakumpleto mo na ang mga Haligi ng Islam. Nakarating ka at nasaksihan mo ang mga Banal na Lugar habang isinasagawa ang manasik (pamamaraan) na isinagawa rin ng mga naunang mga Propeta.

Sa kabila ng hirap, pagod, puyat, at maraming sakripisyo – natapos mo ito nang maluwalhati at dalangin na nawa ay tanggapin ni Allah. Isang napakadakilang regalo ang kapalit nito – kapatawaran sa lahat ng mga kasalanan. Ika’y mistulang bagong panganak na sanggol sa kadalisayan.

Naipahayag mo ng ganap ang iyong Pagkilala sa Tawheed (Kaisahan) ni Allah sa bawat haligi at obligadong gawain sa Hajj – sa Tawaf (Pag-ikot sa Ka’bah), Sa’eey (paglalakad sa mga Bundok ng Safa at Marwa), pananatili sa Arafah, at iba pang mga gawain.

Sa lahat nang ito – gantimpala sa iyo ni Allah: Ang Kanyang Jannah!
Kaya’t dapat kang lalong magsumikap na maisabuhay ang Islam sa bawat sandal. Lalo kang mangaral at mag-da’wah sa mga tao. Lalo kang maghanap ng kaalaman sa Islam… sapagkat ikaw – ay isang Hajji na.

Taqabbalallahu minna wa minkum saalihal a’amaal!

————
Isinulat ni Shaykh Rasheed Vallena, NMA-PH Islamic Online Teacher

#NewMuslimPH
#Hajj2019
www.NewMuslimAcademy.ph

 

Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x