Skip to main content
Blogs

Ang Sugo Na Si Muhammad (ﷺ) – Pagsunod Sa Kanyang Halimbawa

By October 18, 2022October 28th, 20222 Comments

May Libreng Facebook Kurso kami sa https://www.facebook.com/groups/b1sy2021seerah

Si Propeta Muhammad(ﷺ) ay ipinadala bilang isang habag sa sangkatauhan, isang halimbawa sa mga mananampalataya at isang tagadala ng pamantayan na nagpapakita sa Tamang landas ng Allah.

Sinusunod natin ang kanyang mga halimbawa dahil ang kanyang buhay ang pinaka-perpekto sa mga pamumuhay. Pinili ng Allah si Propeta Muhammad (ﷺ) batay sa Kanyang Kaalaman at Karunungan.Pinili Niya siya sa lahat ng sangkatauhan. Kaya’t nararapat nating pag-aralan o alamin ang tungkol sa kanyang mapagpalang pamumuhay na ginabayan at ipinag-utos ng Allah; marahil ang uri ng kanyang pamumuhay ay magiging isang gabay para sa atin. Ang mga sumusunod ay ang higit pang mga dahilan kung bakit dapat nating sundin ang halimbawa ni Propeta Muhammad (ﷺ), nawa’y pagpalan at pangalagaan siya ng Allah.

1.) Siya ay pinili ng Allah upang ihatid ang Kanyang mensahe at karapat-dapat na sundin. 

2.) Dahil sa pagsunod sa mga Kautusan ng Allah: Dapat nating sundin ang mga halimbawa ni Propeta Muhammad (ﷺ) dahil inutusan tayo ng Allah na gawin ito. Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay sinabi na “Katiyakan na nagkaroon para sa iyo sa Sugo ng Allah na isang mahusay na huwaran, isang halimbawa, sa sinuman na ang pag-asa ay nasa Allah at sa Huling Araw at sa sinumang madalas na umaalala sa Allah”. [33:21] 

3.) Ang buhay ng Sugo (ﷺ) ay naglalaman ng dakilang karunungan: Dapat tayong sumunod kay Propeta Muhammad (ﷺ), dahil ang kanyang buhay ay naglalaman ng dakilang karunungan sa lahat ng aspeto – sa usapin ng pananampalataya, mga pag-uugali, patnubay, at pagtitiyaga sa pananawagan tungo sa Allah at paglaban sa masama.

4.) Ang pagsunod sa halimbawa ng Sugo (ﷺ) ay isang kondisyon sa pagkamit ng tagumpay at magandang kapalaran: Hindi natin makakamit ang tagumpay at magandang kapalaran maliban kung sundin natin ang mga halimbawa ni Propeta Muhammad (ﷺ), ang kanyang mga katuruan, mga gawain, at mga pag-uugali. 

5.) Si Propeta Muhammad (ﷺ) ay nagsilbi bilang isang halimbawa sa lahat ng mga pangyayari: Bilang isang tao, isang asawa, isang kapatid, isang Sugo, isang tagapamahala, isang pinuno, ay ginawa siya ng Allah na isang halimbawa sa atin na sundin sa lahat ng mga pangyayari.

6.) Ang gabay sa Pakikitungo sa Iba: Ang pag-aaral sa talambuhay ni Propeta Muhammad (ﷺ) ay nagbibigay sa atin ng malaking kaalaman sa iba’t-ibang mga aspeto ng kanyang buhay, kabilang ang paraan ng kanyang pakikitungo sa iba’t-bang mga tao.

Subscribe
Notify of
2 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
gate.io verification
1 month ago

My colleague shared your article with me and I found it very useful after reading it. Great article, it helped me a lot. I also hope to make a beautiful website like your blog, hope you can give me some advice, my website: gate.io coin

gate io kimlik doğrulama

Reading your article has greatly helped me, and I agree with you. But I still have some questions. Can you help me? I will pay attention to your answer. thank you.

2
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x