Skip to main content
BlogsUncategorized

Ang Tungkulin ng Pagtitiyaga at Pasasalamat sa Huling 10 mga Gabi

Bilang isang bagong Muslim, ang pagsisimula sa iyong pang-espirituwal na paglalakbay ay maaring maging kapana-panabik at mapaghamon. Ang huling 10 mga gabi ng Ramadan ay may napakalaking kahalagahan, at ang pag-unawa sa kanilang mga kahalagahan ay maaaring magdulot sa iyo ng malalim na koneksyon sa Allah. Tuklasin natin kung paano makakatulong sa atin ang pagtitiyaga at pasasalamat sa panahong ito.

1. Ang Kahalagahan ng Huling 10 Gabi 

Ang huling 10 mga gabi ng Ramadan ay isang panahon ng mas mataas na espirituwalidad at banal na mga pagpapala. Kabilang sa mga gabing ito ang Gabi ng Natatanging Estado, kung saan ang isang gabi ay mas mabuti at mas mataas ang kalagayan kaysa sa 1,000 mga buwan. (Qur’an – 97:3). Isipin ang laki ng mga pagpapala at kapatawaran na makukuha sa panahong ito!

2. Pagtitiyaga: Ang Isang Matatag na Paglalakbay 

Ano ito?

Ang pagtitiyaga (Sabr sa Arabik) ay hindi lamang pagtitiis sa mga mga paghihirap; ito ay tungkol sa pagpapanatili ng katatagan at pagtitiwala sa Allah kahit na sa pagharap sa mga pagsubok. Para sa mga Bagong Muslim, ang katatagan na ito ay mahalaga habang tinatahak mo ang mga masalimuot na Islamikong mga gawain na kung minsan ay tila nakakatakot.

Paano Magagawa ng mga Bagong Muslim ang Pagtitiyaga?

  • Matuto ng unti-unti: Huwag labis na pagurin ang iyong sarili. Magsimula sa maliit na hakbang sa pag-aaral ng mga pangunahing kaalaman sa panalangin, pag-aayuno, at iba pang mga gawaing pagsamba. Humingi ng gabay mula sa may mahusay na batayan, may kaalaman na mga indibidwal at maaasahang mapagkukunan na pamilyar sa iyong sitwasyon.
  • Tanggapin ang Pagkakamali: Maunawaan na ang pagiging perpekto ay hindi ang layunin. Pinahahalagahan ng Allah ang tapat na pagsisikap. Kapag nadapa o natisod ka habang nagdarasal o nakalimutan ang isang bagay, dapat malaman na alam ng Allah ang iyon tunay na hangarin.
  • Humingi ng Suporta: Narito ang NMA upang tulungan ka sa paglalakbay na ito. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo mg tulong.
  • Buuin ang iyong pagtitiyaga: Gamitin ang huling 10 gabi ng Ramadan para patibayin ang iyong katatagan.  Ang paghahanap ng Gabi ng Natatanging Estado sa huling 10 gabing ito ay nangangailangan ng labis na dedikasyon.  Kung maaari, maglaan ng oras bawat gabi para gugulin sa mga gawaing pang-debosyon.  Subukang maglaan ng maraming oras hangga’t maaari nang hindi napapagod ang iyong sarili.
  • Pataasin: Maaari kang magsimula sa mas kaunting oras sa unang 10 gabi at unti-unting pataasin.  Ang pagtitiyaga ay gaganap ng isang mahalagang tungkulin sa unti-unting pagtaas ng iyong kakayahan. 

3. Pasasalamat: Isang Taos-pusong Pagpapahayag

Ano ang pagpapasalamat?

Ang pagpapasalamat (Shukr sa Arabik) ay ang pagtanggap o pagkilala sa mga biyaya ng Allah at pagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat. Ito ay pagkilala na ang bawat paghinga, bawat sandali, ay isang kaloob mula sa Kanya.

Paano isasagawa ng mga Bagong Muslim ang Pasasalamat?

  • Magsimula sa mga Pangunahing Kaalaman: Gamitin ang 10 mga gabing ito para pasalamatan ang Allah sa lahat ng mga mabubuting bagay na mayroon ka sa buhay – tulad ng pagkain, tirahan, at kalusugan. Pasalamatan Siya sa paggabay sa iyo sa Islam, pagpapahintulot sa iyo na abutin ang Ramadan, at pagbibigay sa iyo ng kakayahan na sambahin Siya sa buwan na ito.
  • Magmuni-muni sa mga Biyaya: Bawat gabi, maglaan ng sandali upang isipin ang mga biyaya na iyong nakamit mula ng yumakap sa Islam. Ang iyong paniniwala, mga taong sumusuporta sa iyo sa online at offline, at ang iyong bagong layunin sa buhay lahat ay mga biyaya.
  • Pasalamatan ang Allah para sa mga tagumpay: Ang pasasalamat ay nagpapalambot ng puso at nagpapatibay ng pananampalataya. Ang 10 mga gabing ito ay ang tamang panahon para pasalamatan ang Allah sa lahat ng narating mo sa buhay, maging ito ay sa trabaho, personal na buhay, o maging ang pagsamba na iyong nagawa ngayong Ramadan.

Pagtatapos 

Minamahal naming mga bagong Muslim, yakapin ang pagtitiyaga/katatagan, at pasasalamat. Alam ng Allah ang iyong mga paghihirap, at pinahahalagahan Niya ang iyong tapat na pagsisikap. Ang huling 10 gabi ay isang ginintuang pagkakataon para mapalapit sa Kanya. Nawa’y ang iyong paglalakbay ay mapuno ng mga pagpapala, pag-unawa, at pagmamahal. Aameen

Tandaan: Hindi ka nag-iisa. Kasama mo ang Allah sa bawat hakbang na iyong tatahakin.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x